Monday, December 20, 2010

Aroma Therapy

Posted by Binibining Alindogan at 6:50 AM


Hindi naman KABAYO...hanap ay DAMO
Wala namang BALIW NA ASO...kailangan ng BATO
Nilalanghap USOK...na NAKASUSULASOK
Paulit-ulit, subok nang subok...
hanggang marating ang TUKTOK
Pwedeng maging si SUPERMAN...
na may KAPANGYARIHAN
O kaya nama'y si BATMAN...na ubod nang YAMAN
Hindi naman GABI...
Pero Bituin ay KAYDAMI
Kay gaan, kay TINDI...
Problema'y NAPAPAWI
Sa isang SINGHOT...
biyahe sa kaharian and DULOT
Lugar na walang batas at PATNUGOT...
Pagtakas sa tunay na buhay at BANGUNGOT


1 comments:

Dave Josef on March 24, 2015 at 9:00 PM said...

bad vice -_- nandadamay pa ng ibang tao sila eh

|Playgroup Singapore

Post a Comment

:)

 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei