Ang Pagbabalik!





Kumusta naman?
Kumusta ka na? Kumusta na ang buhay mo? Kumusta na ang lovelife?
Kinumusta mo na ba ang kapit-bahay mo? eh ang kalapit-bahay ng ibang kapit-bahay mo?
Maayos ba ang kalusugan ng buong pamilya?

Ang tagal na rin mula nung huli akong makapagsulat...
Matagal-tagal na rin mula nung makita kong lulutang-lutang dito sa Internet ang mga walang saysay kong mga katha.

Nagsisisi ako...
Sising-sisi ako kung bakit kasi naisipan kong burahin yung dati kong blog...
Aba'y papanong hindi, eh ang hirap naman palang magsimula muli...
Dahil kung sa kalsada, lahat ng mga tao ay nag-iinit ang ulo at nagpapatayan pag narinig ang salitang traffic - aba'y dito hindi...

Kaya ito ako ngayon - balik mula sa simula.

Nananalangin na sana ay bigyan ako ng Diyos ng lakas at sipag na magsulat muli, magbagong buhay at bumangon mula sa putik at burak na pinanggalingan... (ahaha, what?)

ahehehe...

maraming salamat...



 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei