Monday, December 20, 2010
Hinaing ng Prosti
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Pusturang-pustura, kay pula ng labi
Nang-aakit na tingin, nag-aanyayang ngiti
Halimuyak na pampatanggal uhaw, pampahupa ng kati
Ang katawan ko ang puhunan ko
na nagsisilbing panandaliang ligaya mo
Ang puri ko ay nabili mo
ilang minutong paraiso
Ang alindog ko ang langit mo
Ang langit mo ang kabuhayan ko
Ang kabuhayan ko para sa pamilya ko
na dahilan ng pag-inog ng mundo ko
Ang bawat haplos
ay tanikalang gumagapos
Ang bawat halik
dagdag sa bigat na aking kilik
Ang bawat indayog
dahilan ng bangungot sa pagtulog
Sa bawat halinghing
respeto sa sarili'y nililibing
Sa bawat rurok
pagkatao'y unti-unting natutupok
Categories
prostitution,
tula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment
:)