“Go to hell!”
Yan, kapag galit ka
at medyo on the sosyal side ka, yan ang mga salitang masasabi mo.
Hell,
infierno,impyerno…
Ang lawa ng apoy…
Ang lugar na
kinatakutan ko na simula ng bata pa lang ako…
Hindi ko ma-imagine
kung gaano kainit sa impyerno, eh ito pa nga lang na kasalukuyang klima sa
Pilipinas tuwing summer eh nakakamatay na ang init, at dahil mapagmahal ako sa
kalikasan, hindi ako gumagamit ng aircon to conserve energy and power (echos! Hamak
kasing maralita, walang pambili ng aircon at sayang sa kuryente, kaya paypay
mode na lang.)
Gaano nga kaya kainit
sa impyerno? Ano kaya ang feeling pag andun ka? Meron kayang binibentang
sunblock dun? Meron kayang coke sakto pampatid ng uhaw? O kaya halo-halo man
lang para marefresh ang mga tao?
Nung bata pa ako,
takot akong gumawa ng kasalanan, takot akong magsinungaling, mangupit, manakit,
etc. (pag nahuli! Ahek). Oo, takot nga ako, WHY? Dahil sa impyerno. Sino ba
naman ang gusting mapunta sa lawa ng apoy di ba?
Sabi nila nung bata
pa ako, mapupunta ka sa impyerno pag gumawa ka ng kasalanan. Mapupunta ka sa impyerno
pag hindi mo nakilala at tinanggap si Jesus Christ.
Ngayon, babalik na
naman ako sa level ng kasalanan…
Imagine this…
Si Makasalanan A –
Kumupit siya ng candy sa tindahan ni Aling Puring, sa sobrang pagmamadali niya
hindi niya namalayan na may balat pala ng saging sa harap niya, nadulas siya,
aksidenteng nauntog ang ulo niya sa batong malaki, nabagok, namatay…hindi siya
nakapagsisi…
Si Makasalanan B – Biglaan
siyang namatay bunsod ng madalas na pagkain ng maaalat at mamantikang pagkain
gamit ang pera na kinurakot niya mula sa kaban ng bayan. Hindi rin nakapagsisi
dahil nasa gitna ng kasarapan ng pag-nguya ng malutong na balat ng lechon…
And then ito na…papasok
na sila sa pinto ng impyerno, andun si Satanas nag-aabang…
Dalawang taong may
ginawang kasalanan, parehas nagnanakaw…Isa nagnakaw ng candy at isa nagnakaw ng
milyong-milyon…
So papano kaya ang
magiging senaryo?
Magiging fair kaya si
Satanas? (very ironic)
I-wewelcome sila ni
Satanas, papasok sa kanyang MALEVOLENCE RESORT na may malaki at malawak na
infinity pool, na imbis na tubig, eh apoy.
THIS IS SO UNFAIR!!!
Unfair di ba? Si Kuya
M-A, ninakaw niya CANDY lang…si KUYA M-B…milyon-milyon…Siguro kung ako si kuya
M-A ang maiisip ko, bakit kasi candy lang ang ninakaw ko, dapat dinagdagan ko
na ng softdrinks, ganun din naman pala ang kahihinatnan…
Meron kayang level of
heat and agony sa impyerno?
Kasi tingnan mo ah?
Si Kuya M-A, i-wiwelcome siya at makakasalamuha niya sa loob yung mga
pinakamasasamang tao sa entire history ng buong mundo…Makakasama niya yung
maraming pinatay at pinapatay na tao, mga taong nagnakaw ng limpak limpak na
salapi, mga taong walang budhi, mga taong walang konsensiya…
Ang unfair kasi yung
mga taong may kasalanan dito sa atin, basta may pera ka malaya ka…o kung
nakakulong ka man, may sarili kang aircon, may Wi-Fi, laptop, etc. Well, at
least sa impyerno, pantay-pantay na lang sila.
Walang kasing unfair…
Anyway, may FAIRNESS ba sa impyerno? Ahaha…that is the question…
Ngayon, papano kung
ganito ang senaryong dadatnan nila kuya…
Sasalubungin sila ng
receptionist ng impyerno. Then using biometric scanner, i-aaccess ni ate
receptionist yung mga information about sa taong papasok sa impyerno. Then,
bibigyan sila ng card para sa mga room na pupuntahan nila. Merong tatlong areas
ang resort…
Ang first area,
katamtaman lang ang init, mga kasing-init ng pinakamainit na temperatura ever
recorded sa history ng mundo. Dito pupunta yung mga kaluluwa ng mga kagaya ni
kuya – basic evilness ba…
Ang second area ay
para sa mga mediocre level. Dito triple ang init. Dito papasok yung mas bongga
ang kasalanan kesa kay Kuya M-A.
At ang huling area ay
sampung beses na mas mainit…Andito yung mga sagad hanggang buto ang kasamaang
ginawa sa mundo…Yung mga pumatay ng madaming madaming tao…yung nangurakot ng
malalaking halaga ng pera, na naging dahilan ng paghihirap at pagkamatay ng
ibang tao…at yung pinakanakakasulasok na pwedeng magawa ng tao sa lupa…Dito
sila lahat, kasama nilang magswiswim galore si Satanas sa infinity pool of fire…Bongga!
0 comments:
Post a Comment
:)