Sunday, December 11, 2011

LIFE - DEATH...

Posted by Binibining Alindogan at 3:33 PM
Nagkaroon ng sandali sa aking buhay na ninais kong wakasan ang buhay ko. Maglaho na parang bula, kainin ng lupa, itigil na ang pagpasok at paglabas ng hangin sa aking baga, tumigil na ang pagdaloy ng aking dugo at tuluyan nang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Maraming dahilan…During those times of trials and tribulations – depression was eating me, anxiety was killing me (yes, nakapag-english din, ahehe)…
Nag-isip ako, nag-isip nang nag-isip…I contemplate, envisage and reflect. Walang katapusan…paikot-ikot, paulit-ulit, nakakasawa – ang sarap wakasan, ang sarap tapusin. Dahil sa dulo naman ng mahabang pagiisip na iyon ang sagot ay wala, blanko, Everthing’s kaput. Iniisip ko siguro mas ma-appreciate at mas malalaman ng mga taong nasa paligid ko ang halaga ko kapag wala na ako. Base sa mga karanasan ko sa mga burol na dinaluhan ko sa buong buhay ko – ang mga tao kapag sumisilip na sa kabaong ng isang taong namatay: lahat na ata ng papuri ay nababanggit. Mabait na tao yan, mapagbigay, yada yada yada…Hindi ko alam kung talagang magalang lang tayo sa patay o talagang likas tayong plastic…
“I wanna die”
Yan ang paborito kong linya. Then one day buo na ang loob ko…
Sabi nga sa text, kung sawa ka na sa buhay, better yet try the kabilang buhay…ahehe
I planned, search for effective methods…
Ngunit, subalit datapwa, biglang merong liwanag at sinag na tumama sa noo ko na nagreflect sa salamin sa harap ko at nagpasilaw sa magaganda at mapupungay kong mata…
Then I came to realise (yes naman UK!), recognize and appreciate LIFE, as in BIG LETTER L-I-F-E…
Naisip ko, gusto kong takasan ang buhay – itong buhay na alam ko na, pamilyar na sa akin, hindi ko man lubusang naiintindihan at hindi ko man alam ang kinabukasan, at least alam ko na nasa earth ako, may oxygen na hinihinga at may araw na sumisinag sa di kaputian kong balat. Whereas, sa kabilang buhay – hindi ako sure, hindi ako sigurado kung anong meron dun. Ano ba ang pakiramdam kapag wala na ang pisikal kong katawan, lulutang ba ako dahil sa gaan? May liwanag ba dun? Sinong makakasama ko? Saan ako pupulutin? Saan ako pupunta? Anong kakahinatnan ko? May pwede bang tumulong sa akin? ANO NGA BANG MERON SA KABILANG BUHAY? Yan, yan ang tanong na hanggang ngayon ay walang nakakasagot, mas matindi pa ito sa Continuum Hypothesis, Riemann Hypothesis at yung iba pang kasama sa Hilbert’s problem. Because the knowledge of what lies after death is indeed one of the most, if not the most important, questions in life (ano daw? Ang labo…ahehe)…
Ang pinaka-punto ko eh – kung dito nga sa mundo ng mga buhay na alam ko kung anong meron eh natatakot na ako at naiisipan ko nang tumakas, papano pa kaya sa isang mundong ni hindi ko alam kung nag-iexist nga ba…Pagkatapos bang magpakamatay ako at nakita kong mas okay pala dito earth at hindi carry ng powers ko ang mundong yun eh maari akong MAGPAKA-BUHAY? Hindi na di ba?
Sabi nga ni Phil Donahue:
“Suicide is a permanent solution to a temporary problem.”
Kung ang buhay nga may katapusan di ba? Ang langis malapit na maubos, at maging ang mga bituin eh nauubos din ang liwanag, siguro ganun din ang problema. Matatapos din yan.
Naisip ko bigla, mas marami akong magagawa kapag meron akong physical body. I can’t imagine myself na magaan at lulutang-lutang sa air. At hindi ko rin maimagine ang sarili ko na nananakot ng mga tao with my full and straight bangs.
Sabi nga ni Mareng Madonna:
“I want to be like Gandhi and Martin Luther King and John Lennon but i want to STAY ALIVE.”
Mas maraming magagawa kapag buhay…
Maraming pangako ang buhay, ang kagandahan nito ay natatago. Para itong gintong ibinalot sa lumang dyaryo. Sabi nga ni Little Prince:
“What makes the desert beautiful is that somewhere it hides a well”
So fight lang ng fight…sabi nga sa Globe: GO LANG NG GO!
 “The most authentic thing about us is our capacity to create, to overcome, to endure, to transform, to love and to be greater than our suffering. (Ben Okri)
Always remember that:
"A good character is the best tombstone. Those who loved you and were helped by you will remember you when forget-me-nots have withered. Carve your name on hearts, not on marble." (Charles Spurgeon)


2 comments:

Unknown on March 24, 2015 at 8:50 PM said...

Psalm 27:1
“The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the strength of my life; of whom shall I be afraid?”

Playgroup Singapore

Unknown on March 24, 2015 at 8:50 PM said...

Psalm 27:1
“The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the strength of my life; of whom shall I be afraid?”

Playgroup Singapore

Post a Comment

:)

 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei