Friday, August 31, 2012

From Labor Day to Mother's Day

Posted by Binibining Alindogan at 10:33 PM 0 comments

                

Ilang minutong paraiso…
   Siyam na buwang kargo…
                Ilang oras ng nakamamatay na hilab ng tiyan ko…
Ilang ireng walang hinto…
             Tahi na aabot na sa butas ng puwet ko…
Lahat ito naglaho…
Nang ika'y masilayan ko…

                So ayun na nga…
                Pagkatapos kong maging ganap na Gng. Something ni Bb. Alindogan, eh ito na naman ako sa panibagong yugto ng aking maikling buhay. May bago na akong titulo…isa na akong Mommy…
               I am so happy…Ang cute at healthy ng baby ko…Salamat kay God…Dahil hindi siya napano kahit nakakain na siya ng poopoo sa loob ng tiyan ko dahil na-over due na ako…Pasensiya na anak, tinamad maglakad si mommy…
                Bago ang lahat gusto ko lang sabihin sa lahat ng mga mommy sa buong mundo na binabati ko kayo…Dahil nalagpasan ninyo ang experience ng panganganak…At para sa mga dalaga pa diyan o yung mga taong wala pang balak magka-baby…Naku wag nyo na ituloy…Ang sakit-sakit-sakit-sakit-sakit…
                It was literally and figuratively BLOODY painful…
                Habang nagli-labor ako at habang naglalakad-lakad para mapataas ang aking CM, eh wala akong ginawa kundi umiyak dahil sa sakit. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko e may pinupunit na kung ano sa likod, puwet atbp…
                Mga bandang alas 3:30 nang naisipan na akong ipadala sa clinic na pag-aanakan ko. Hindi dahil sa pumutok na ang panubigan ko kundi dahil may blood na sa aking panty…At sabi nila, masakit daw ang labor kapag nauna ang dugo, dahil hindi madulas. At bilang pagsunod sa mga nakakatanda eh uminom ako ng itlog na hilaw na may Sarsi…ahaha…Hindi naman malansa, keme lang...
                So ayun na nga, pagdating ko sa clinic, IE mode ang OB, ang narinig kong sabi eh…Doc 2 to 3 cm na…Nakapanginginig ng laman ang IE, ang sakit, makakadagdag pa sa takot mo yung dugo na makikita mo sa gloves pagkatapos ka i-IE…
                When I was young, takot akong magbuntis at manganak…Una, dahil sabi nga nila ubod daw ng sakit, at pangalawa at importante sa lahat eh dahil kailangan mong ibuyangyang ang kepelspels mo sa harap ng OB, at iba pang mga nilalang na tutulong sa doctor para magpa-anak sayo…Dyusme, ibang level kaya ang hiya ko nung unang beses na chineck ng OB ang aking churva…Kaso kapag manganganak ka na, wala nang makialamanan…
                So ayun nga mabalik tayo sa labor moment ko…
                Pagkacheck ng doctor na 2 to 3cm na ako eh agad na akong pinadala sa aking kuwarto…Pinagsuot ng diaper, at tinurukan ng swero…Ganun pala ang feeling nun no? Sa buong buhay ko kasi nun lang ako nalagyan ng swero. Ang asawa ko na ginigitgitan na ng pawis ay hindi na mapakali sa tabi ko…At marahil dala ng takot o dahil sweet lang siya kasi di niya kayang makita akong naghihirap eh tinawag niya ang kanyang mama, ang byenan ko…
                Nakakatawa lang kasi sa tuwing hihilab ang tiyan ko eh napapahawak ako sa railings ng kama, at kasabay nun ay napapahawak din si Mamu sa railings, ramdam siguro ang paghihirap ko…
                Sabi nila kapag daw naglilabor ka tatawagin mo lahat ng santo, hindi naman totoo…Dahil sa sobrang sakit, wala na akong maalalang pangalan ng santo…Ahaha…Pero in all fairness sa akin sabi ng ibang manganganak na kasabay ko eh tahimik daw akong maglabor.
                Nung madalas na ang paghilab ng tiyan ko doble ang paghihirap ko…Bakit? Kasi habang naghihirap ako dahil sa sakit, eh ramdam ko pa ang paghihirap ng anak ko sa loob ng tiyan ko… Sa bawat hilab ay ramdam ko ang struggle niya, ang kagustuhan niyang lumabas, dahil developed na nga ang lungs niya, hindi na siya makahinga sa tubig…
                Pagkaraan ng isang oras, impit na akong nagreklamo sa byenan ko…
                “Mamu…para pong may lalabas na poopoo sa akin, matigas na poopoo…”
                Agad na tinawag ang nurse, at ayun na nga, IE mode ulit…at alam mo ba ang bungad sa akin ng nurse?
                “Wow ah! Ang galing mo ah…naunahan mo pa yung katabi mo, eh pansampu na yung anak niya”
                Ahaha…nakahinga ako ng maluwag, dahil nagbunga na din ang walang humpay na paglalakad ko sa paligid ng Tutuban Mall sa Night Market, nung nakaraang gabi, at ang pakikipagsabayan ko sa mga joggers nang alas sais ng umaga.
                At yun na nga dinala ako sa nakakatakot na delivery room…Pinahiga ako sa higaan na ang tingin ko ay silya elektrika…
                This is it…Ito na yung moment na masusukat ang galing ko sa pag-ire…
                However, dahil duwag ako, nagpa-painless ako…Dyusme, kung yung labor nga bonggang sakit na, paano pa kaya ang actual na panganganak…
                Sabi sa akin ng nurse:
                “Ire ka ate, yung parang tumatae ng matigas…”
                Gusto ko siyang sagutin ng “Ikaw kaya ate dito, tingnan natin kung masusunod mo yang theory mo nay an”
                Pero mega ire pa din ako…Mga tatlong ire, pero pakiramdam ko eh gusto na magshut down ng utak ko dahil sa sobrang sakit…Nakatatlong ire siguro ako, pagkatapos nun narinig ko nang sabi ng OB…
                “I-push na natin to, tulungan na natin siya, di na niya kaya…”
                Pagkatapos nun may tinurok ang isa pang nurse na gamot sa aking swero. Ang huling naalala ko eh nagtulong ang dalawang nurse para itulak ang baby sa tiyan ko pababa.
                Pagkatapos nagising ako ng bandang alas siyete ng gabi. Hinang-hina kong kinapa ang tiyan ko. Nanganak na ako…Inikot ko ang mata ko, wala akong makitang baby…Nasaan kaya siya…
                Ilang ulit na may labas at pasok na nurse, at sa tuwing may papasok eh magtatanong ako:
                “Ate anong oras ako lalabas dito…”
                Feeling ko nga nakululitan na sila sa akin…Eh bakit ba atat ako sa baby ko eh…Sila kaya ang maging ina…ahehe…
                So ayun na nga nung lumabas na ulit ang dalawang nurse, at sinabing pwede na akong bumalik sa aking kuwarto, eh tumayo ako agad, nagmamadali…Kahit nahihilo hilo pa ako…
                Sakay sakay ng wheel chair…ang unang mukhang nakita ko ay mukha ng dalawang best friends ko…mukha ng asawa ko…mukha ng byenan ko…at ang huli ay ang baby ko…
                Andun siya sa isang sulok…Kumikinang…Ang puti…Ang pogi…
                Sa wakas, natupad na din ang pangarap kong magkaron ng anak na maputi…ahehe…
                Siya yun..siya yung sumisipa sa mga internal organs ko…Siya yung sumisinok sinok sa loob ng tiyan ko…Siya yun…siya yun…
                Dumating na din siya…ang kaganapan ng aking pagkababae…


 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei