Friday, August 31, 2012

From Labor Day to Mother's Day

Posted by Binibining Alindogan at 10:33 PM 0 comments

                

Ilang minutong paraiso…
   Siyam na buwang kargo…
                Ilang oras ng nakamamatay na hilab ng tiyan ko…
Ilang ireng walang hinto…
             Tahi na aabot na sa butas ng puwet ko…
Lahat ito naglaho…
Nang ika'y masilayan ko…

                So ayun na nga…
                Pagkatapos kong maging ganap na Gng. Something ni Bb. Alindogan, eh ito na naman ako sa panibagong yugto ng aking maikling buhay. May bago na akong titulo…isa na akong Mommy…
               I am so happy…Ang cute at healthy ng baby ko…Salamat kay God…Dahil hindi siya napano kahit nakakain na siya ng poopoo sa loob ng tiyan ko dahil na-over due na ako…Pasensiya na anak, tinamad maglakad si mommy…
                Bago ang lahat gusto ko lang sabihin sa lahat ng mga mommy sa buong mundo na binabati ko kayo…Dahil nalagpasan ninyo ang experience ng panganganak…At para sa mga dalaga pa diyan o yung mga taong wala pang balak magka-baby…Naku wag nyo na ituloy…Ang sakit-sakit-sakit-sakit-sakit…
                It was literally and figuratively BLOODY painful…
                Habang nagli-labor ako at habang naglalakad-lakad para mapataas ang aking CM, eh wala akong ginawa kundi umiyak dahil sa sakit. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko e may pinupunit na kung ano sa likod, puwet atbp…
                Mga bandang alas 3:30 nang naisipan na akong ipadala sa clinic na pag-aanakan ko. Hindi dahil sa pumutok na ang panubigan ko kundi dahil may blood na sa aking panty…At sabi nila, masakit daw ang labor kapag nauna ang dugo, dahil hindi madulas. At bilang pagsunod sa mga nakakatanda eh uminom ako ng itlog na hilaw na may Sarsi…ahaha…Hindi naman malansa, keme lang...
                So ayun na nga, pagdating ko sa clinic, IE mode ang OB, ang narinig kong sabi eh…Doc 2 to 3 cm na…Nakapanginginig ng laman ang IE, ang sakit, makakadagdag pa sa takot mo yung dugo na makikita mo sa gloves pagkatapos ka i-IE…
                When I was young, takot akong magbuntis at manganak…Una, dahil sabi nga nila ubod daw ng sakit, at pangalawa at importante sa lahat eh dahil kailangan mong ibuyangyang ang kepelspels mo sa harap ng OB, at iba pang mga nilalang na tutulong sa doctor para magpa-anak sayo…Dyusme, ibang level kaya ang hiya ko nung unang beses na chineck ng OB ang aking churva…Kaso kapag manganganak ka na, wala nang makialamanan…
                So ayun nga mabalik tayo sa labor moment ko…
                Pagkacheck ng doctor na 2 to 3cm na ako eh agad na akong pinadala sa aking kuwarto…Pinagsuot ng diaper, at tinurukan ng swero…Ganun pala ang feeling nun no? Sa buong buhay ko kasi nun lang ako nalagyan ng swero. Ang asawa ko na ginigitgitan na ng pawis ay hindi na mapakali sa tabi ko…At marahil dala ng takot o dahil sweet lang siya kasi di niya kayang makita akong naghihirap eh tinawag niya ang kanyang mama, ang byenan ko…
                Nakakatawa lang kasi sa tuwing hihilab ang tiyan ko eh napapahawak ako sa railings ng kama, at kasabay nun ay napapahawak din si Mamu sa railings, ramdam siguro ang paghihirap ko…
                Sabi nila kapag daw naglilabor ka tatawagin mo lahat ng santo, hindi naman totoo…Dahil sa sobrang sakit, wala na akong maalalang pangalan ng santo…Ahaha…Pero in all fairness sa akin sabi ng ibang manganganak na kasabay ko eh tahimik daw akong maglabor.
                Nung madalas na ang paghilab ng tiyan ko doble ang paghihirap ko…Bakit? Kasi habang naghihirap ako dahil sa sakit, eh ramdam ko pa ang paghihirap ng anak ko sa loob ng tiyan ko… Sa bawat hilab ay ramdam ko ang struggle niya, ang kagustuhan niyang lumabas, dahil developed na nga ang lungs niya, hindi na siya makahinga sa tubig…
                Pagkaraan ng isang oras, impit na akong nagreklamo sa byenan ko…
                “Mamu…para pong may lalabas na poopoo sa akin, matigas na poopoo…”
                Agad na tinawag ang nurse, at ayun na nga, IE mode ulit…at alam mo ba ang bungad sa akin ng nurse?
                “Wow ah! Ang galing mo ah…naunahan mo pa yung katabi mo, eh pansampu na yung anak niya”
                Ahaha…nakahinga ako ng maluwag, dahil nagbunga na din ang walang humpay na paglalakad ko sa paligid ng Tutuban Mall sa Night Market, nung nakaraang gabi, at ang pakikipagsabayan ko sa mga joggers nang alas sais ng umaga.
                At yun na nga dinala ako sa nakakatakot na delivery room…Pinahiga ako sa higaan na ang tingin ko ay silya elektrika…
                This is it…Ito na yung moment na masusukat ang galing ko sa pag-ire…
                However, dahil duwag ako, nagpa-painless ako…Dyusme, kung yung labor nga bonggang sakit na, paano pa kaya ang actual na panganganak…
                Sabi sa akin ng nurse:
                “Ire ka ate, yung parang tumatae ng matigas…”
                Gusto ko siyang sagutin ng “Ikaw kaya ate dito, tingnan natin kung masusunod mo yang theory mo nay an”
                Pero mega ire pa din ako…Mga tatlong ire, pero pakiramdam ko eh gusto na magshut down ng utak ko dahil sa sobrang sakit…Nakatatlong ire siguro ako, pagkatapos nun narinig ko nang sabi ng OB…
                “I-push na natin to, tulungan na natin siya, di na niya kaya…”
                Pagkatapos nun may tinurok ang isa pang nurse na gamot sa aking swero. Ang huling naalala ko eh nagtulong ang dalawang nurse para itulak ang baby sa tiyan ko pababa.
                Pagkatapos nagising ako ng bandang alas siyete ng gabi. Hinang-hina kong kinapa ang tiyan ko. Nanganak na ako…Inikot ko ang mata ko, wala akong makitang baby…Nasaan kaya siya…
                Ilang ulit na may labas at pasok na nurse, at sa tuwing may papasok eh magtatanong ako:
                “Ate anong oras ako lalabas dito…”
                Feeling ko nga nakululitan na sila sa akin…Eh bakit ba atat ako sa baby ko eh…Sila kaya ang maging ina…ahehe…
                So ayun na nga nung lumabas na ulit ang dalawang nurse, at sinabing pwede na akong bumalik sa aking kuwarto, eh tumayo ako agad, nagmamadali…Kahit nahihilo hilo pa ako…
                Sakay sakay ng wheel chair…ang unang mukhang nakita ko ay mukha ng dalawang best friends ko…mukha ng asawa ko…mukha ng byenan ko…at ang huli ay ang baby ko…
                Andun siya sa isang sulok…Kumikinang…Ang puti…Ang pogi…
                Sa wakas, natupad na din ang pangarap kong magkaron ng anak na maputi…ahehe…
                Siya yun..siya yung sumisipa sa mga internal organs ko…Siya yung sumisinok sinok sa loob ng tiyan ko…Siya yun…siya yun…
                Dumating na din siya…ang kaganapan ng aking pagkababae…


Monday, May 28, 2012

Posted by Binibining Alindogan at 5:44 AM 0 comments




I am terribly missing someone right now...

To my other half...
I miss you so much...

Background music: 




When I'm Missing You
A1


Sunday morning time to say goodbye
But I'll be home real soon
Though I'm leavin', girl don't start to cry
I'll be thinkin' of you .... yeah

It's a lonely ride on the midnight train
I'm countin' down the days 'til I'm home again

How can i sing when my words have run dry
How can I smile with the tear in my eye
Summer's so lost when it's rainin' in June
That's how it feels when I'm missin' you

Oh yeah, baby, oh

Now time and healin'
Another week come by
Girl it feels like years, hmmm...
I've been callin' every day and night
How i wish you were here, ooh yeah..

It's a lonely ride on the midnight train
I'm countin' down the days 'til I'm home again

How can i say when my words run dry
How can I smile with the tear in my eye
Summer's so lost when it's rainin' in June
That's how it feels when I'm missin' you

I never met a girl who is so this sweet
Can't wait to see you again, oh oh
I never had a love that was so complete
And you know that I'll be dreamin' 'til then

Oh, baby...

I said the time is now, baby...

How can I say when my words run dry (how can i say)
How can I smile with the tear in my eye (tear in my eye)
Summer's so lost when it's rainin' in June
That's how it feels when I'm missin' you

Wooh yeah baby.. (how can i smile)
I said yeah, I said I'm missing you..(ooohh )
Summer's so lost when it's rainin' in June (ah)
That's how it feels (that's how it feels)
When I'm missing you

Sunday, May 27, 2012

Shed a Tear...

Posted by Binibining Alindogan at 5:15 AM 0 comments


I want to cry...
I want to weep...
sob...
whimper
and wail...

Sorry...
I can do nothing...


Wednesday, May 23, 2012

May Fairness ba sa Hell??? O_o

Posted by Binibining Alindogan at 9:04 AM 0 comments



“Go to hell!”

Yan, kapag galit ka at medyo on the sosyal side ka, yan ang mga salitang masasabi mo.

Hell, infierno,impyerno…

Ang lawa ng apoy…

Ang lugar na kinatakutan ko na simula ng bata pa lang ako…

Hindi ko ma-imagine kung gaano kainit sa impyerno, eh ito pa nga lang na kasalukuyang klima sa Pilipinas tuwing summer eh nakakamatay na ang init, at dahil mapagmahal ako sa kalikasan, hindi ako gumagamit ng aircon to conserve energy and power (echos! Hamak kasing maralita, walang pambili ng aircon at sayang sa kuryente, kaya paypay mode na lang.)

Gaano nga kaya kainit sa impyerno? Ano kaya ang feeling pag andun ka? Meron kayang binibentang sunblock dun? Meron kayang coke sakto pampatid ng uhaw? O kaya halo-halo man lang para marefresh ang mga tao?

Nung bata pa ako, takot akong gumawa ng kasalanan, takot akong magsinungaling, mangupit, manakit, etc. (pag nahuli! Ahek). Oo, takot nga ako, WHY? Dahil sa impyerno. Sino ba naman ang gusting mapunta sa lawa ng apoy di ba?  

Sabi nila nung bata pa ako, mapupunta ka sa impyerno pag gumawa ka ng kasalanan. Mapupunta ka sa impyerno pag hindi mo nakilala at tinanggap si Jesus Christ.

Ngayon, babalik na naman ako sa level ng kasalanan…

Imagine this…

Si Makasalanan A – Kumupit siya ng candy sa tindahan ni Aling Puring, sa sobrang pagmamadali niya hindi niya namalayan na may balat pala ng saging sa harap niya, nadulas siya, aksidenteng nauntog ang ulo niya sa batong malaki, nabagok, namatay…hindi siya nakapagsisi…

Si Makasalanan B – Biglaan siyang namatay bunsod ng madalas na pagkain ng maaalat at mamantikang pagkain gamit ang pera na kinurakot niya mula sa kaban ng bayan. Hindi rin nakapagsisi dahil nasa gitna ng kasarapan ng pag-nguya ng malutong na balat ng lechon…

And then ito na…papasok na sila sa pinto ng impyerno, andun si Satanas nag-aabang…

Dalawang taong may ginawang kasalanan, parehas nagnanakaw…Isa nagnakaw ng candy at isa nagnakaw ng milyong-milyon…

So papano kaya ang magiging senaryo?

Magiging fair kaya si Satanas? (very ironic)

I-wewelcome sila ni Satanas, papasok sa kanyang MALEVOLENCE RESORT na may malaki at malawak na infinity pool, na imbis na tubig, eh apoy.

THIS IS SO UNFAIR!!!

Unfair di ba? Si Kuya M-A, ninakaw niya CANDY lang…si KUYA M-B…milyon-milyon…Siguro kung ako si kuya M-A ang maiisip ko, bakit kasi candy lang ang ninakaw ko, dapat dinagdagan ko na ng softdrinks, ganun din naman pala ang kahihinatnan…

Meron kayang level of heat and agony sa impyerno?

Kasi tingnan mo ah? Si Kuya M-A, i-wiwelcome siya at makakasalamuha niya sa loob yung mga pinakamasasamang tao sa entire history ng buong mundo…Makakasama niya yung maraming pinatay at pinapatay na tao, mga taong nagnakaw ng limpak limpak na salapi, mga taong walang budhi, mga taong walang konsensiya…

Ang unfair kasi yung mga taong may kasalanan dito sa atin, basta may pera ka malaya ka…o kung nakakulong ka man, may sarili kang aircon, may Wi-Fi, laptop, etc. Well, at least sa impyerno, pantay-pantay na lang sila.

Walang kasing unfair… Anyway, may FAIRNESS ba sa impyerno? Ahaha…that is the question…

Ngayon, papano kung ganito ang senaryong dadatnan nila kuya…

Sasalubungin sila ng receptionist ng impyerno. Then using biometric scanner, i-aaccess ni ate receptionist yung mga information about sa taong papasok sa impyerno. Then, bibigyan sila ng card para sa mga room na pupuntahan nila. Merong tatlong areas ang resort…

Ang first area, katamtaman lang ang init, mga kasing-init ng pinakamainit na temperatura ever recorded sa history ng mundo. Dito pupunta yung mga kaluluwa ng mga kagaya ni kuya – basic evilness ba…

Ang second area ay para sa mga mediocre level. Dito triple ang init. Dito papasok yung mas bongga ang kasalanan kesa kay Kuya M-A.

At ang huling area ay sampung beses na mas mainit…Andito yung mga sagad hanggang buto ang kasamaang ginawa sa mundo…Yung mga pumatay ng madaming madaming tao…yung nangurakot ng malalaking halaga ng pera, na naging dahilan ng paghihirap at pagkamatay ng ibang tao…at yung pinakanakakasulasok na pwedeng magawa ng tao sa lupa…Dito sila lahat, kasama nilang magswiswim galore si Satanas sa infinity pool of fire…Bongga!


Thursday, March 29, 2012

BB. Alindogan to Gng. Something

Posted by Binibining Alindogan at 5:03 PM 0 comments

             I really never imagined that one day I will be able to walk down the isle and carry a baby in my tummy. But look at me now, I am walking down the isle, with a blessing baby in my tummy. I remember always telling my bestfriends that I can’t see my future in the LOVE Department. For a long time, exactly 24 years, 5 months, 21 days and 22 hours – I’ve been single -  I belong to that NBSB association. However, this had changed when I met this Mr. Something. To make this short love story shorter, I fell in love, fell in lust and then VIOLA! I am gonna tie the knot and have a bun in the oven.
            I consider myself as a romantic gal – together with bestfriend and my cousins, we shared ideas regarding love, sex and life. I learned so many things in love not by experienced but by just simply reading books – Pocket books – Genre: Romance. I’ve learned how exhilarating love is, I’ve imagined how to be loved and loved. To make it simple, it made me feel in love with the idea of love. Maybe being addicted to this kind of book made me create a perfect, ideal and wonderful image of love. I started to create a yardstick of love; created a figure of that someone I want to be with in the future; and envisioned many thoughts regarding love – some are shallow, others are deep.
            But, all of this changed when I met this Mr. Something, as I was saying. It was different. He may not be perfect, but his imperfection made him more HUMAN, more REAL, more GENUINE.
            Ours is whirlwind, we just met 6 months ago, but it seems like 6 decades. I’ve learned to accept his weaknesses. He had helped me to overcome my fears and inhibitions, at the same time, helped me to recover my long lost self-esteem and confidence. For he willingly accept all of my flaws and made me feel that those flaws didn’t mar my personality.  
            For Mr. Something, thank you. Thank you for EVERYTHING. Thank you for the love, understanding and kindness. Thank you for making me feel special. Thank you for being source of strengths. Thank you for being my number 1 fan and critic. Thank you for always being there for me. Thank you for the love. I know this might sound cliché and corny, but please don’t change. I love you…

Tuesday, January 31, 2012

Love and Freedom

Posted by Binibining Alindogan at 6:41 PM 0 comments


There are times I wanted to cry
There are times I wanted to die
Only you can make my emotions pacify
And in this life, be satisfied

During the times of myself destruction
And almost self assassination
You came to save me from desperation
And gave me the meaning of self actualization


You are there to wipe my tears
Boast my long lost ego and erase my fears
I felt beautiful when you appeared
Made my inhibitions and insecurities disappear
 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei