Sunday, December 11, 2011

LIFE - DEATH...

Posted by Binibining Alindogan at 3:33 PM 2 comments
Nagkaroon ng sandali sa aking buhay na ninais kong wakasan ang buhay ko. Maglaho na parang bula, kainin ng lupa, itigil na ang pagpasok at paglabas ng hangin sa aking baga, tumigil na ang pagdaloy ng aking dugo at tuluyan nang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Maraming dahilan…During those times of trials and tribulations – depression was eating me, anxiety was killing me (yes, nakapag-english din, ahehe)…
Nag-isip ako, nag-isip nang nag-isip…I contemplate, envisage and reflect. Walang katapusan…paikot-ikot, paulit-ulit, nakakasawa – ang sarap wakasan, ang sarap tapusin. Dahil sa dulo naman ng mahabang pagiisip na iyon ang sagot ay wala, blanko, Everthing’s kaput. Iniisip ko siguro mas ma-appreciate at mas malalaman ng mga taong nasa paligid ko ang halaga ko kapag wala na ako. Base sa mga karanasan ko sa mga burol na dinaluhan ko sa buong buhay ko – ang mga tao kapag sumisilip na sa kabaong ng isang taong namatay: lahat na ata ng papuri ay nababanggit. Mabait na tao yan, mapagbigay, yada yada yada…Hindi ko alam kung talagang magalang lang tayo sa patay o talagang likas tayong plastic…
“I wanna die”
Yan ang paborito kong linya. Then one day buo na ang loob ko…
Sabi nga sa text, kung sawa ka na sa buhay, better yet try the kabilang buhay…ahehe
I planned, search for effective methods…
Ngunit, subalit datapwa, biglang merong liwanag at sinag na tumama sa noo ko na nagreflect sa salamin sa harap ko at nagpasilaw sa magaganda at mapupungay kong mata…
Then I came to realise (yes naman UK!), recognize and appreciate LIFE, as in BIG LETTER L-I-F-E…
Naisip ko, gusto kong takasan ang buhay – itong buhay na alam ko na, pamilyar na sa akin, hindi ko man lubusang naiintindihan at hindi ko man alam ang kinabukasan, at least alam ko na nasa earth ako, may oxygen na hinihinga at may araw na sumisinag sa di kaputian kong balat. Whereas, sa kabilang buhay – hindi ako sure, hindi ako sigurado kung anong meron dun. Ano ba ang pakiramdam kapag wala na ang pisikal kong katawan, lulutang ba ako dahil sa gaan? May liwanag ba dun? Sinong makakasama ko? Saan ako pupulutin? Saan ako pupunta? Anong kakahinatnan ko? May pwede bang tumulong sa akin? ANO NGA BANG MERON SA KABILANG BUHAY? Yan, yan ang tanong na hanggang ngayon ay walang nakakasagot, mas matindi pa ito sa Continuum Hypothesis, Riemann Hypothesis at yung iba pang kasama sa Hilbert’s problem. Because the knowledge of what lies after death is indeed one of the most, if not the most important, questions in life (ano daw? Ang labo…ahehe)…
Ang pinaka-punto ko eh – kung dito nga sa mundo ng mga buhay na alam ko kung anong meron eh natatakot na ako at naiisipan ko nang tumakas, papano pa kaya sa isang mundong ni hindi ko alam kung nag-iexist nga ba…Pagkatapos bang magpakamatay ako at nakita kong mas okay pala dito earth at hindi carry ng powers ko ang mundong yun eh maari akong MAGPAKA-BUHAY? Hindi na di ba?
Sabi nga ni Phil Donahue:
“Suicide is a permanent solution to a temporary problem.”
Kung ang buhay nga may katapusan di ba? Ang langis malapit na maubos, at maging ang mga bituin eh nauubos din ang liwanag, siguro ganun din ang problema. Matatapos din yan.
Naisip ko bigla, mas marami akong magagawa kapag meron akong physical body. I can’t imagine myself na magaan at lulutang-lutang sa air. At hindi ko rin maimagine ang sarili ko na nananakot ng mga tao with my full and straight bangs.
Sabi nga ni Mareng Madonna:
“I want to be like Gandhi and Martin Luther King and John Lennon but i want to STAY ALIVE.”
Mas maraming magagawa kapag buhay…
Maraming pangako ang buhay, ang kagandahan nito ay natatago. Para itong gintong ibinalot sa lumang dyaryo. Sabi nga ni Little Prince:
“What makes the desert beautiful is that somewhere it hides a well”
So fight lang ng fight…sabi nga sa Globe: GO LANG NG GO!
 “The most authentic thing about us is our capacity to create, to overcome, to endure, to transform, to love and to be greater than our suffering. (Ben Okri)
Always remember that:
"A good character is the best tombstone. Those who loved you and were helped by you will remember you when forget-me-nots have withered. Carve your name on hearts, not on marble." (Charles Spurgeon)


Friday, September 30, 2011

Judge!

Posted by Binibining Alindogan at 7:51 AM 0 comments


                Nakaupo ako isang araw, walang magawa, nakatunganga nang madinig ko ang kanta ni gloc 9 mula sa MP3 ng isang teenager na walang modong nagpapatugtog ng malakas habang naglalakad.
                “Madaming nurse dito sa amin pero bakit tila walang natira”
                Ayun, siyempre tumakbo na naman ang utak ko, pero walang masyadong konek diyan yung pumasok sa utak kong ubod ng berde. Naisip ko lang, ano na nga bang propesyon ang pinakamabenta ngayon? Nurse? Engineer? Care Giver? Call Center?
                Ang sagot wala sa nabanggit…
                JUDGE
                Yan ang pinakatalamak at mabentang propesyon, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, makakasalamuha mo sila, makakadaupang palad at makakakiskisan ng siko at iba pang parte ng katawan…Sa katunayan makikita mo din siya pagtingin sa salamin.
                Diyan naman tayong lahat magaling eh…
                ANG MANGHUSGA…
                PUMUNA NG ULING SA MUKHA NG IBA…

Saturday, July 23, 2011

Ms. Taranta

Posted by Binibining Alindogan at 6:36 PM 0 comments

Nakakatawa si Ms. Taranta
Pawis ang mukha
Puso'y kakaba-kaba

Paikot-ikot
O kay likot-likot
Papel na hawak kinukusot-kusot

Hirap huminga
Kahit nakanganga
Pakiusap, Ms. Taranta, kumalma ka.

Thursday, June 16, 2011

Blank

Posted by Binibining Alindogan at 11:56 PM 1 comments


Wala na akong pakialam...
wala na akong pakialam...
wala na akong pakialam...
wala na akong pakialam...

tapos na...
tapos na...
tapos na...
tapos na...

ayoko na...
ayoko na...
ayoko na...
ayoko na...

tama na...
tama na...
tama na...
tama na...

Tuesday, June 7, 2011

Bugbog

Posted by Binibining Alindogan at 2:13 AM 0 comments




Sabunot, Sigaw, Mura...

Sampla, Suntok, pasa...

Mura...Pasa...Luha...

Mula sa mahal at mabalasik niyang asawa.

Trabaho sa umaga, Iyak sa gabi...

Hikbi at paghihirap mula sa putok na labi.

Yakap sa anak, haplos na matindi

Ang kanyang paraan para masabi,

"Handa akong magtiis para sa inyo anak,

pagka't lumaki kayong walang ama ay hindi ko balak."


Belo

Posted by Binibining Alindogan at 2:10 AM 0 comments



Dasal, kumpisal, Libak.
Pagpupuri, pagbabahagi, pagpuna.
Libak, pagpuna, pagpapanggap.


Hindi pa sumisikat ang araw,
sila na'y inyong matatanaw.
Suot ang uniporme at belong pang-ibabaw.


Dala-dala ang kanilang rosaryo,
at novenang misteryoso...
Sabi nila'y sila'y sarado at deboto katoliko,
at ayaw nila sa demonyo


Oras, puso at buhay nila'y ayaw sa simbahan,
Laging binibigkas paulit-ulit na dasal,
pananalig nila ay sin-tatag ng yakal


Ngunit pagpuna sa mukha nang iba ang libangan
Lagi na lang sila ang kabanal-banalan,
at ang lahat ay makasalanan...



Anong Silbi ko sa Earth?

Posted by Binibining Alindogan at 1:43 AM 0 comments
            
             Isang araw naisipan kong dumalaw sa bahay ng isa sa marami kong kaplastikan (kaibigan)…ahaha…At ito ang sagot niya:
“Anong ginagawa mo dito?”
               Brutal di ba? Ni hindi man lang nasayahan na dinalaw siya ng isang kaplastikan niya na nagnanaknak sa alindog kahit na wala siyang sakit o hindi siya nakakulong (yes, mais con yelo na sa kakornihan)…
                Pero bigla akong napaisip… (yes naman, nagamit din si brain)…
                Ano nga ba ang ginagawa ko dito sa earth???Bakit ako andito? Anong misyon ko sa buhay? Bakit sa dinami-dami ng mga sperm cell na nagmula sa *churva* ng tatay ko ay ako pa ang umabot sa finish line para umenter sa egg cell ng aking ina? Bakit sa loob ng siyam na buwan ay nakayanan kung kumapit sa matres ng nanay ko? Bakit na-carry ko ang mga viruses and bacteria na nagkalat sa environment nung ako ay baby pa? Bakit buhay pa ako hanggang ngayon?
Anong ginagawa ko dito sa earth?
                Paulit-ulit? Paulit-ulit?
Eh, ano nga ba?
What in the world am I doing here? 
             Ano ba ang silbi ko dito kay mother earth, bukod sa maki-share sa oxygen na binubuga ng mga halaman? Bumuga ng nakalalasong carbon dioxide para kainin ng mga halaman at kadahunan? Maki-share sa liwanag at init na dulot ni haring araw? Tumulong para madagdagan ang mga basura sa paligid? Dumagdag sa noise pollution? Maki-share sa pataas na pataas na konsumo ng nauubos nang supply ng petrolyo sa mundo? Makisali sa pag-aaksaya ng tubig?
                Sa araw araw na ginawa ng Diyos, yan ang tanong ko sa aking sarili…
                At sa araw-araw ding iyon ay hindi ko matagpuan ang sagot.
            Gigising ako sa umaga, matutulog sa gabi, o kaya naman the other way around… Iinom ng tubig kapag nauuhaw; maliligo o maghihilamos kapag naiinitan; hihinga; kukurap; at bubuntong-hininga…
            Pagkagising kinaumagahan, tuloy pa rin ang buhay, gising lang ng gising, tanong lang nang tanong hanggang sa mahanap ang matagal nang hinihintay na kasagutan...


Wednesday, March 30, 2011

Maikling Kwento (Pakpak ng Pag-ibig *hahaha*)

Posted by Binibining Alindogan at 6:35 PM 0 comments
  
You’re my everything”
Krista’s eyes they drown in tears.

Natigil ang pagbabasa ni Magdala nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Beep-beep”

A message from Rose:

Sis, I’m sorry, hindi ako makakarating today, June called me up, he’s sick, walang tao sa kanila, so ako na muna mag-aalaga sa kanya. Love yah!

<end>

Tinitigan ni Magdala ang kanyang cellphone sa mahabang panahon, hanggang sa mapagod ang kanyang mga mata na kanina pa hindi kumukurap.

Muli niyang binalik ang cellphone sa mesa, inayos ang pagkakalagay ng bookmark sa nobelang kanyang binabasa, at parehas na nilagay nang maayos sa kanyang dala-dalang bag.

Tiningnan niya ang kanyang paligid. Nakapang-hihinang katahimikan ang maririnig – habang parang bombang dumadagundong sa kanyang tenga ang tibok ng kanyang puso, payapang pagpasok at paglabas ng hangin ng buhay sa kanyang ilong at dibdib. Gusto niyang maiyak, pero wala siyang karapatan, at hindi tama – kailangang maging masaya siya para sa mga kaibigan.

Ang silid na kinaroroonan niya ay ang mundo, paraiso at sanktuaryong tinayo ng kanyang mga kaibigan – sina Amor, Mae, Rose at siya. Apat na magkakaibigang sumumpang magiging abay sa kani-kanilang kasal, magiging ninang ng mga anak at maisusulat ang pangalan sa ribbon sa kabaong sa oras ng kamatayan. Ang silid na ito ang mundo kung saan natutupad ang kanilang mga pangarap – nakalimutan niya ang salitang dati.

Ang nasabing silid ang base ng kanilang grupong bitterness club – samahan ng apat na babaeng walang magawa sa buhay – kundi magbasa ng mga nobelang ang pangunahing sangkap ay – PAG-IBIG. Sa tuwi-tuwina ay nagtitipon ang apat sa silid na iyon na nakatayo sa isang matanda at malaking puno sa may tapat ng isang sapa – paraiso sa mga taong tulad nila na nawala na ata ang kapit sa tunay na mundo.

Sa loob ng silid na ito ay puro happy ending, bulaklak, halakhak, luha…Mundong nagiging sangga nila sa mundong punong hindi perpekto, puno ng galit, at sa mundong walang katapusan, walang happy ending – kamatayan lang ang konklusyon ng lahat.

Masaya sila, Oo masaya sila. Sa mahabang panahon ay masaya sila – na silang apat lang. Lahat ay takot sa pagbabago. Ngunit, ang pagbabago ay hindi maiiwasan.

Dumating ang araw na hindi na halos nakakasama si Amor sa kanilang mga lakad. Sabi nito ay abala daw siya sa mga bagay-bagay. Hanggang isang araw, dumating ito sa kanilang mundo kasama ang isang lalaki – si Christian. At naging malinaw sa kanilang lahat ang dahilan ng kanyang pagiging abala. Tumubo na ang kanyang pakpak – at handa na siyang lumipad – lumipad palayo sa mundong tinayo nila para sa kanilang apat.

Lalo nang nawalan ng panahon si Amor para sa kanila. Nagkaroon na ito ng mga bagong kaibigan – kaibigan at kapamilya ng lalaki ng buhay niya.

Kaya nagulat ang magkakaibigan nang dumating isang araw si Amor na luhaan – nakita niya daw ang lalaking may kasamang ibang babae sa isang establisyemento sa bayan.

Nakita nilang tatlong magkakaibigan kung papanong halos kapusin na ng hininga ang kanilang kaibigan dahil sa pagluha at pagtangis sa lalaki. Nang oras na iyon, sumumpa ang tatlo – si Mae, Rose at Magdala, na hindi kailanman iibig, para hindi mabigo, para hindi lumuha, para hindi magtangis.

Ilang araw ding nakasama nila si Amor, ngunit hindi na ito katulad ng dati, matamlay, tulala at parang naglalakad na patay. Pagkalipas ng ilang araw ay hindi ulit nagparamdam ang babae – hanggang sa dumating ito ulit sa kanilang mundo, kasama si Christian – masaya, maligaya at kontento, buhay na siya ulit. Nagkamali lang pala si Amor, nagpadala lang ito sa kanyang hinala, ang kasama ni Christian nung panahon na iyon ay ang kanyang nakababatang pinsan.

At simula noon ay nagbago na ang lahat. Tuluyan nang naglaho si Amor – hindi na ata alam ang daan patungo sa mundong ginawa nila. Malaya na siyang lumilipad kasama ng ibang mga taong nahanap ang tunay na mundo.

“Ayos lang ang lahat,” yan ang laging sinasabi ni Magdala.

“Tatlo pa tayo,”

Ngunit, at tatlo ay naging dalawa, nang dumating ang isa na namang kinatatakutan niya, katulad ni Amor, nakita na din ni Mae ang kanyang pakpak – dumating ito isang araw, pagkalipas ng ilang linggong hindi pagdalaw, na kasama si Ed. Katulad ni Amor, kitang-kita mo ang ningning ng kanyang mga mata at tamis ng kanyang mga ngiti.

“Ayos lang ang lahat,”

“Dalawa pa naman tayo…”

Ngunit ngayon, dumating ang panahon na kinatatakutan niya. Siya na lang ang nag-iisang hindi pa natatanggap ang mga pakpak at hindi kayang labagin ang batas ng gravity. 

“Ayos lang yan, andyan ka pa naman…”

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Magdala upang tapusin ang kanyang pagbabalik-tanaw. Kinuha niya na ang kanyang bag, akma na siyang aalis nang biglang may pumasok sa silid.

Niluwa ng kurtinang – nagsisilbing pintuan ang pamilyar na pigura – si Simoun. Ito ang nakababatang kapatid ni Amor. Katulad ng dati ay nakadikit na naman sa mukha nito ang ngiting, animo sinag ng araw na nagpapaliwanag ng kadiliman. Dala-dala din nito ang kanyang buhok na alun-alon na animo’y kagagaling lang sa malalim na pagtulog. Gusto niya itong lapitan, at ayusin ang magulong buhok gamit ang kanyang mga kamay.

“O, anong ginagawa mo dito?”

“Kain tayo,” hindi nito sinagot ang tanong ni Magdala, bagkus ay ipinakita nito ang dala-dala niyang pagkain. Walang sabi-sabing inayos nito ang dala-dalang baon sa mesang nasa harap ng dalaga. Pagkatapos ay iginiya siya nito patungo sa upuang nasa harap ng kinauupuan nito.

“Kain na!” nang-iinganyong tinig nito bago harapin at higupin ang sabaw ng maming umuusok-usok pa.

Hindi napigilan ni Magdala ang sarili at pinadaan ang kanyang mga palad sa buhok ng lalaking abala sa paghigop ng sabaw ng maming ngayon ay humahalimuyak na sa silid, nangingibabaw sa amoy ng mga tuyong dahon, at sariwang dahon na nagkalat sa ibaba ng puno.

“Nami-miss mo na ang ate mo no?”  sabi ng dalaga, habang patuloy pa rin sa paghaplos ng ulunan ng binata. Isang taon na rin kasi ang nakalilipas nang magdesisyun na na manirahan si Amor at ang, ngayon ay asawa na nitong si Christian sa Canada, doon na ito maninirahan.

Nagulat si Magdala nang biglang hawakan nito ang kamay niyang nasa ulo nito, at titigan siya nito. Nanatiling magkasiklop ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng mesa.

Ngiti lang ang sinagot ng lalaki sa kanyang tinuran. Bilang sagot ay ipinatong muli ng dalaga ang kabilang kamay sa ulo nito – animo naglalambing sa nakababatang kapatid – kung hindi man sa aso.

“Nami-miss mo na nga siya…Huwag kang mag-alala masaya naman siya…” muli, hinawakan ng malayang kamay nito ang kamay na nasa ulo niya, nilapag sa mesa ang magkasiklop pa ring kamay habang hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.

“Makukulong ka ba kung aamimin mong hindi ka masyadong masaya sa kasiyahang tinatamo ng taong mahal mo?” matalinghagang tanong nito, sa seryosong tinig, seryosong tingin.

Nalilitong tumigin ang dalaga sa binata, ngunit sa kaloob-looban niya ay nakadama siya ng konsensya? – hindi pakiramdam na para bang sa kinahaba-haba ng panahon ng pagtatago ay may nakaintindi na sa kanya.

Para siyang isang daga na matagal na nakulong sa loob ng madilim na aparador. Nginangat-ngat lang ang kung anong meron sa loob ng apat na sulok ng aparador na nakandado, hanggang isang araw dumating ang panahon na dumating ang taong magbubukas ng aparador na iyon, para linisin ang lahat ng mga bagay na nakakalat sa loob.

Kitang-kita ni Simoun kung papaanong nagbago, at nagpalit-palit ang emosyon sa mukha ng babaeng nasa harapan niya. Mula sa pagngiti, pagkailang, pagkagulat at pagkakaintindi – hanggang sa makita niya ang pagkibot-kibot ng mga labi nito, sensyales ng paparating na luha.

Sabi nga ni Albert Smith:

Tears are the safety valve of the heart when too much pressure is laid on it.

“Hindi.”.Hikbi. “Ma – saya ako.” Hikbi. “Promise.” Paputol-putol na sabi ni Magdala.

Napilitang bitiwan ni Simoun ang kanang kamay ng dalaga para kunin ang kanyang panyo upang punasan ang ngayong naguunahan luha at sipon sa mukha nito.

“Pero?” malambing na tanong at pagpapatuloy ni Simoun.

Hikbi. “Pero.” Hikbi. Hikbi. Hikbi. Hikbi. “Pe - - - - ro.” Hingang malalim.

Nangingiting hinigpitan ng binata ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang kamay ng dalaga, habang patuloy niyang pinupunasan ang mukha nito gamit ang panyo niya, habang pinupunasan din ng dalaga ang mukha niya gamit ang malayang kamay nito.

“Pero, pakiramdam mo, iniwan ka nila, at ngayon ay nag-iisa ka na lang. Pakiramdam mo ay wala na yung dati ninyong pagkakaibigan – hindi ka na nila kailangan, dahil sa masaya na sila sa piling ng mga lalaking mahal nila.” Mahinahong pagpapaliwanag ng binata habang ilang ulit na pinisil-pisil ang kamay ng dalaga.

Mabilis na tango lang ang ginawa ng dalaga. Patuloy pa rin sa pagpunas ng kanyang mukha.

Ang araw na iyon ay ang araw na may pinakamaraming iniluha ang dalaga. Ilang taon din niyang tiniis ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya sa kaloob-looban, hinanakit na hindi niya gustong maramdaman sa mga kaibigan, na lalo lang nagpapahirap sa kanyang nararamdaman.

Lumipas ang mga araw. Mga masasayang araw.

Hindi tulad ng dati, hindi na nag-iisa si Magdala sa loob ng mundong binuo nilang apat na magkakaibigan. Sa tuwi-tuwina ay kasama niya si Simoun. Pagkatapos ng trabaho niya, at maging sabado at linggo.

Pakiramdam ni Magdala ay nakapagdala siya ng bagong tao sa kanyang mundo.

Sa mundong – ang lahat ay may happy ending.

“Hoy! Sino ang nagbabantay ng shop mo, lagi kang andito?”

“Eh, andun naman si Andoy, at saka may ibang tauhan dun, wag mong alalahanin yun.” Sagot ni Simoun, gamit na naman ang nakasisilaw nitong ngiti. Abala ito sa pagtingin ng mga magazine, habang nakasalampak sa lapag.

“Eh, ikaw? Lagi ka na lang andito, paano mo pa napagkakasya ang oras mo sa pagaasikaso ng mga ituturo mo sa mga estudyante mo, at dyan sa pagbabasa ng mga kung anu-anong libro?” si Magdala ay ang pinakabatang guro sa pampublikong paaralan sa kanilang baryo.

“Ha? Hindi ah, naga-update ako ng mga lesson plan ko” Natigilan ang dalaga.

Ilang araw na nga ba ang nakalilipas na panay lesson plan o kaya ay mga gawain niya sa paaralan at mga estudyante niya ang pinagkakaabalahan niya?

Ilang araw na nga bang pansamantala niyang nakalimutang magbasa ng mga nobelang itinuturing niyang buhay.

Ilang araw na nga ba na hindi niya inaasam na makapagbasa ng mga salita at kilos na dati ay nagiging dahilan ng kaligayahan niya, at pinagmumulan ng enerhiya niya.

Ilang araw na nga ba?

“Simula ng…”

Tinigilan ni Magdala ang pag-iisip. Pilit na pinagpag ang anumang bagay na hindi nararapat.

Nagulat na lamang ang dalaga nang maramdaman ang pagkilos ni Simoun – papaupo sa upuang nasa tabi niya sa harap ng mesa.

“Good girl”

“Ha?”

Muli, nakasisilaw na ngiti mula sa lalaki.

“Mabuti kamo yan, hindi yung puro ka na lang basa ng mga nobela, welcome to the real world!” Eksaheradong sabi ng lalaki.

Ismid lang ang sinagot ng dalaga, at nagpatuloy sa kanyang gawain. Ngunit, hindi katulad dati, ay nakakaramdam siya ng tensyon dahil ramdam niya ang tinig na ipinupukol ng lalaki sa kanyang gilid.

“Teka nga pala, andito ka dahil sabi ng ate mo no? Nag-aalala ba siya sa akin? Hayaan mo na kamo, maayos na ako, salamat sa kapatid niya.” Pagpapaliwanag ng dalaga, sabay tapik sa balikat ng katabi.

Nakasisilaw na ngiti lang ang sagot ng lalaki.

“Bumaba ka na dun sa inyo, asikasuhin mo ang shop, yung mga kaibigan mo malamang nami-miss ka na nun, at saka, ang nobya mo, baka napapabayaan mo na.”

Ang ngiti ng binata ay napunta sa isang kaiga-igayang halakhak.

Tumingin ang babae sa binata.

“Sa lahat naman ng taong mahilig magbasa ng mga ito – ” sabay turo sa mga aklat na nakasalansan sa may mesa at isang maliit na tukador sa gilid.

“ – ikaw lang ang parang walang natutunan” Nagnining-ning ang mga mata nito.

Tulala.

Matagal na walang kurap na nakatingin si Magdala sa lalaki. Kurap. Kurap. Kurap.

Nang dumating ang panahon ng pagkakaintindi ay literal na nanlaki ang kanyang mga mata. Bumuga ng hangin sa kanyang bibig.

Nagaalangan ngiti at tango ang sinagot ng lalaki.

“HINDI!” pasigaw na sambit ng babae.

Nangunot ang noo ng lalaki.

“Bakit?”

Iling. Iling. Iling.

“For Pete’s sake, mas matanda ako sayo!!!”

“Oo, ng dalawang taon. At saka ano naman kung mas matanda ka sa akin kahit ng sampung taon o bente man?”

Iling. Iling. Iling.

Biglang tumayo ang dalaga, umatras, palayo ng konti sa binata.

Hingang malalim.

“Bestfriend kami ng ate mo, at ate ang turing mo kina Mae at Rose. Goodness, ano na lang ang sasabihin nung tatlo, lalo na ni Amor. Nila tita? Nila mama? Ng buong baryo?”

“The hell with them! Wala akong pakialam. Alam ko matutuwa sila ate, sila mama at sila tita. Kilala nila ako, kilala ka nila, alam nilang nasa mabuti tayong kamay parehas.”

Iling. Iling. Iling.

“Pero bakit ako?”

“Bakit hindi ikaw?”

“Dahil ate mo ako”

“Hindi kita kailanman tinawag na ate.”

“Nakakahiya, mas bata ka sa akin. Dapat mas matanda ang lalaki sa babae. Dapat – ”

“Damn! I hate that word. Dapat, puro dapat. Huwag kang magpakain diyan sa pamantayan na ginawa gamit yang mga basurang libro na yan. Iba ang tunay na buhay! Hindi ka karakter lang ng kung sinong manunulat na may malikot na isipan. Ikaw mismo ang may hawak ng papel at lapis na susulat ng kapalaran mo. Ito ang tunay na mundo! Hindi lahat kailangang maging komplikado para maging maganda ang takbo ng kwento!”

Pakiramdam ni Magdala ay para siyang mansanas na ginamit na ilang ulit na tinamaan ng kutsilyo mula sa majikero. Para siyang isang bagong panganak na agila na ilang buwan ding napasailalim ng pagaalaga ng kanyang butihing ina – pinakain, pinainom at pinagsanggalang mula sa ibang mga hayop sa gubat. Pero ngayon – pero ngayon – nagsisimula na siyang matutong lumipad.

Oo natagpuan niya na rin sa wakas ang kanyang pakpak.



 

Binibining Alindogan Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei